10.15.2004

kulot

Kulot

Kulot -
Kadilimang bumabalot,
Sa minsa'y isang tuwid na damdamin.

Baluktot -
Buhol-buhol at nakalukot,
Sa harapan ng katotohanang kung tawagin ay salamin.

Sino ang pipiliin?
Sino ang mamahalin?
Si Juan?
Huwag, ayaw ng pamayanan.
Si Maria?
Huwag, ayaw ng aking kaluluwa.

Kulot at baluktot -
Na kasarian at pag-iisip
At mga nag-gagandahang nakatikwas na daliri.

Wala namang tuwid na damdamin dito,
Patuloy na paghuhusga lamang,
Patuloy na pagkukunwari.

(this poem was done in collaboration with audrey beltran and aisha de guzman. i remember we were all excited because we finally decided to push through with the production of KUWADERNO. so while bumming around, we thought of publishing a collaborative work. the poem stinks actually, but i like it a lot.)

*for past blogs, click on the archives*

No comments: