1.04.2005

amadeus

ngayon
ako'y hihiyaw sa abot-kaya
ng aking mga baga
hanggang walang matirang hangin sa aking katawan

bukas
ako'y iinom ng lason
maglalaslas ng pulso
at makikidalamhati sa aking lumbay

pagdaka'y
papatayin lahat
ng emosyon
at makikiramay sa aking sariling pagluluksa

ngunit
hinding hindi ko malilimutan
ang kaisa-isang maulan na hapon
na tayo'y nag-usap sa piling ni amadeus

yun lang
ang aking pinanghahawakan ngayon
ang kaisa-isang alaala ng isang maulan na hapon
ng kahapon

No comments: